Tuesday, February 3, 2009

Fastfood Chains

Bakit ang fastfood salamin ang dingding? Bakit sa ibang lugar naman tulad ng starbucks at restorant eh konkreto ang mga dingding?

Madalas ka bang maupo sa tabi ng salamin pag kumakaain ka sa isang fastfodd chain? Nakatok ka na rin ba ng mga batang nanghihingi ng pagkain mula sa labas? Ang salamin na namamagitan sa inyo ay nagpapakita ng realidad. Sila na abot tanaw lamang at ikaw na nasa loob naka-aircon pa. Bakit nga ba salamin ang mga dingding nila? Nais ba talaga nang mga gumawa ng fast food chains na ipakita at bigyang empasis ang pagkakaiba ng estado ng mga tao?

Ang salamin ding iyon ang naghihiwalay sa tao mula sa totoong mundo. Sa loob ng fastfood chains masaya, masarap, walang problema, magaan ang buhay. Ngunit sa iyong pagdungaw sa mga salaming dingding na nakapaligid sayo nakikita mo ang realidad ng buhya na hindi ito palaging masaya.

Minsan ba habang kumakain ka sa fastfood chain ay naramdaman mong parang kang isada sa loob ng aquarium na pinanonood at pinagmamasadan ng mga tao sa labas. Ikaw ay nasa loob ng isang lugar lugar na animo tumatakas panandali sa mga bagay sa labas at tinitingnan ang mundo mula sa loob ng walang inaalala? Iyong mga tao sa labas kaya ano ang tingin sa iyo? Isda?

1 comment:

jacqueline said...

salamin makes an illusion of a wider space...

hindi isda ang tingin ng mga nasa labas sa mga taong nasa loob.. tingin nla yun ang oxygen na bumubuhay sa fastfood chain.

doesn't make sense! hahahaha