Tuesday, February 3, 2009

Nakakulong na mga Ideya

"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

-Bob Ong

Iyan ang sabi ni Bob Ong sa isa sa kanyang mga libro. Kabataan, mraming pangarap, maraming gustong maabot, mraming gustong gawin na hindi kaugnay sa dapat nilang ginagawa. Gusto nilang makuha ang pinakamataas, ang lahat ng pinaka, pinakapogi, pinaka matalino at marami pang iba. Pero bakit imbis na ang mga mas nakakatanda ay tumutulong sa paghubog at pagpapayaman ng mga talento at kakayahan ng kabataan ay sila pa ang humahadlang nito. Kadalasang nanahimik na lamang ang mas batang empleyado kapag nagsalita na ang mas nakakatanda at mas matagal na sa opisinang kasama sa trabaho. Ang bunga, ang mga magagandang ideya na sana'y kanyang maibabahagi at maaring makatulong sa kanilang lahat ay nakukubli na lamng sa kanyang isipan. Natatakot siya "i-reject" siya dahil nga siya ay mas bata at walang masyadong karanasan. May iba din naman na hindi pinapansin ang boses ng kabataan kapag nagsalita na ito kahit na alam niya sa sarili na mas maganda nga ang suwestyon na inihahain, ayaw niyang malamangan ng isang baguhan at batang empleyado.

Sa eskwelahan bakit nagbabatas-batasan ang ibang mga propesor at guro, ang pagtuturo ay isang "two way" process, maaring tama na mas marami kang alam kaysa sa kanila kaya ka nga nila guro hindi ba? Ngunit hindi mo alam ang lahat ang pagiging bukas sa posibilidad na may mga nalalaman ang mga kabataan na hindi mo alam ay magiging malaking tulong upang mas mapaganda ang inyong talakayan at mas mapadali ang pagkatuto. Tinuturuan mo sila ngunit maaari ka ding matuto mula sa kanila. Hindi dapat "dinisdiscourage" ng isang guro o propesor ang isang estudyante na magbahagi ng kanyang nalalaman. Bakit ba nila pinipigilan ang mga batang magbahagi? natatakot ba silang malamangan o ang tingin lang talga nila sa mga estudyante ay mga bobong nilalang na hindi mabubuhay ng wala sila?

Ang mundo ay patuloy na nagbabago, sa kasaysayan laging nahihigitan ng susunod na henerasyon ang nakalipas. Nandyan ang mga nakakatanda upang gabayan at turuan ang kabataan tungo sa pagunlad. Kung mahigitan man nila ang henerasyong nagdaan dapat na magalak dahil nagbubukas ito sa walang hanggang posibbilidad na maari pang matuklas hindi man ngayon marahil ay sa hinaharap.

1 comment:

jacqueline said...

hhhhmmmm... may poot? may pinaghuhugutan? sino yun? aawayin ko! hehehehe...